Sunday, February 10, 2008

SUGAT

Miyerkules.

“Hoy!”

Naglalakad ako papuntang building namin at napa-lingon sa sumigaw kahit hindi ako sigurado kung ako yung tinatawag. Kumbaga, automatic nalang sakin pag may sumigaw ng ‘hoy’, lilingon ako.

Nakita ko si Russel, humahabol sakin. Huminto ako sa may gilid ng daan at napa-ngiti nalang ako. Nang nakalapit na siya, natawa ako at sinabi “’Hoy’ ka ng ‘hoy’ dyan! May pangalan ako!”

“Bakit? Sumigaw lang ako ng ‘hoy’ ah? Feeling mo ikaw na agad yung tinatawag ko? Malay mo ibang tao! Ang yabang mo talaga kahit kelan! Ano feeling mo? Sikat ka?” Tinaasan niya ko ng kilay at tinignan ng masama.

Tumawa ako. “Ay pasenya… oo eh, iba na kasi pag madaming taga-hanga! Assuming ako! Joke! Anu ba kelangan mo? Alam ko naman ako yung tinawag mo… Anu nanaman ba kelangan mo? Wala akong pera ngayon. Miyerkules na kaya! Pa-ubos na!”

Tumawa lang siya sabay sinabi “Hindi ko kelangan yung pera mo noh… Next week! Pa-utang! Biro lang! Tara! Upo tayo… Nag-mamadali ka ba?”

“Hindi… tapos na klase ko, nag-yosi lang ako sa may labas… tsaka nagliliwaliw kung saan-saan!”

Sumunod ako sakanya at umupo kami sa isang bakanteng upuan sa gilid ng field. Madaming tao ang naglalaro sa field. Malapit na kasi ang Intrams season ng football.

“Wala ba kayong training ngayon?” tanong niya.

“Training saan? Football o ng rowing? Linawin mo!”

“Ay! Oo nga pala! Lalake ka nga pala! Dalawa pala laro mo! Pareho, wala?”

Natawa ako. “Hindi ako lalake! Athletic lang! Sa football, wala kaming training eh… Bukas nalang daw ng hapon… Wala si Coach ngayon… Tapos sa rowing, Miyerkules ngayon, kaninang madaling araw yung water training namin. Sakit pa nga braso ko eh... Bukas naman ng gabi yung land training namin dun. Teka nga! Dapat may training kayo ngayon ah!”

“Well, tamad ako eh…Cancelled muna siya…” Tumawa siya ng malakas. “Malakas na kami. Hindi na mamin kelangan ng training.”

Napa-tawa din ako ng malakas. Alam ko naman na hindi totoo yung sinabi niya.

“Mayabang ka din eh! Coach ka lang ng High School Football Team, mahangin ka na! Alam mo na alam ng buong madla na kahit kelan walang laban mga bata mo sa intrams noh! Ang liliit lang nila! Midgets laban sa college!”

“Kaya nga eh… Kaya nga hindi kami masyadong nag-tetraining… Alam ko naman na wala na talaga kaming laban. Qualifyings palang, pulbos na kami.”

Sabay kaming natawa at tumahimik nalang bigla. Bigla akong kinakabahan baka makita nanaman niya yung bagong sugat sa braso ko. Mapapagalitan nanaman ako.

Palihim ko siyang tinignan. Naka-tingin siya sa malayo, parang malalim ang iniisip o pinapanood lang niya siguro yung training ng CFAD Team.

Tinago ko yung kaliwa kong kamay. Kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko to, pero tinatago ko naman. Tuluyan na atang nasira ulo ko.

Kinalabit niya ako bigla. “Tignan mo yung sipa nung forward ng CFAD.” Tinuro niya yung lalaking naglalaro na naka-tali yung buhok. “Tignan mo yung porma at yung follow-through niya. Galing… Dapat ganyan ka din sumipa!”

Medyo nahiya ako. “Hindi naman kasi ako ganun kagaling. Hindi ko kaya yan… Ginawa nga nila akong forward kasi malakas daw yung sipa ko… Mas-gusto kong dumepensa eh. Balyahan nalang! Pero dun ako nilagay... tsaka ang hirap nung porma niya eh...”

“Sanayin kita? Gusto mo? Footwork lang yan tsaka balance… Sama ka sa training ng mga bata ko minsan… Turuan kita.”

“Ayoko nga! Puro lalake yung mga yun! Tsaka si Best nga din eh… Tuturuan daw niya ko… Feeling ko tuloy hindi talaga ako marunong sumipa…”

“Anu ka ba? Hindi sa ganun! Magaling ka naman eh, nakita na kita maglaro… Pero ite-train ka pa nga… Tuturuan! Sayang yung lakas mo kung hindi mo aayusin yung sipa ng paa mo diba?”

Tumawa nalang ako. “Sige… kaw bahala! Alam mo naman ako, masunurin naman akong bata eh.”

“Talaga lang ah!”

Bakit parang medyo mapanuya yung tono ng boses nya?

“Bakit? Hindi ba?” patawa kong tinanong.

Seryoso yung tono ng boses niya nung sinagot niya ako.

“Wala! Hindi ko alam! Ewan ko sayo…”